“Cybercrime Law of 2012”
Ano ba ang Cybercrime Law? Ano ang mga nakapaloob sa batas na ito? Anu- anu ang masasama’t magagandang epekto o dulot nito sa mga Internet Users lalung lalo na sa mga kabataang nahihilig sa mga Social Networking Sites at sa pagda-Downlaod ng kung anu anong mga bagay na meron o matatagpuan sa Internet? Bakit maraming tumututol o tumutuligsa sa pinanukalang batas na ito? Pro ka ba o Anti sa Cyberlaw? Anong opinion o masasabi sa mo Batas na ito? Yan ang kadalasng tanong ng mga tao tuwing nababanggit o napag-uusapan ang paksang “CYBERCRIME LAW”. Ano nga ba talaga ang tunay na ibig sabihin o kahulugan ng mga salitang ito?
Ang Cybercrime Law ang ay ang itinawag o nagging bansag sa Cybercrime Prevention Act ng taong 2012. Ang batas na ito ay na-aprubahan noong ika-12 ng Setyembre taong 2012. Ito ay produkto ng House Bill No. 5808 na ginawa ni Representative Susan Yap-Sulit ng Ikalawang Distrito ng Tarlac at 36 na iba pang co-authors, at Senate Bill No. 2976 na ini-suggest ni Senator Edgardo Angara. Ito ay naglalayong talakayin ang mga legal na isyu ukol sa Online World o Internet. Iginigiit ng batas na ito na isang matinding opensa ang cybersquatting, cybersex, child pornography, identity theft, illegal access to data, fraud at libel. Sinasabing pag lumabag ka sa batas na ito, papatawan ka ng 3-6 na taon ng pagkakakulong. Sa kadahilanang ito, maraming bumatikos at patuloy paring bumabatikos sa batas na iyon.
May magaganda rin namang epekto o dulot ang batas na ito, kagaya ng proteksyon laban sa mga tinatawag sa posers o yung mga ginagamit o ginagaya ang identity ng isang tao, sikat man ito o hindi. Nakatutulong din itong labanan ang libelo o mga paninirang puring nagaganap sa Ineternet. Naglalayon din itong sugpuin ang pornograpiya at fraud. Marami pang mga magagandang dulot ang Cybercrime Law, ngunit may mga masasamang epekto rin daw ito. Sinasabi ng karamihan ng mga Internet Users na mawawalan na raw umano ng “Freedom of Speech” ang mga Online community, dahil sa napanukalang batas. Sinasabi rin nila na dina sila maaring makapag-post ng mga bagay na katuwa-tuwa para sakanila dahil umano sa pagbabawal nito dahil sa Cybercrime Law. Reklamo pa nila, ang umanong pagbabawal pati man lamang sa pagla-like, pagco-comment, pagse-share sa mga pictures at post sa mga Social Networking Sites sa Internet. Sa tingin ko ang higit na naaapektohan nito ay ang mga mamayan at kabataang na nahihilig o “Hooked” sa Internet.
Ang mga ANTI sa Cybercrime Law ay ang mga tumutuligsa at tumututol sa Cybercrime Law. Ang mga PRO sa Cybercrime Law naman ay ang mga sumusuporta at nagtatanggol sa Cybercrime Law o Prevention Act. Ang opinion ko rito, parehong may katwiran o punto ang dalawang grupo. Pareho nilang ipinaglalaban ang kani- kanilang mga layunin at opinion sa paraang sa tingin nila ay tama. Para sa akin, wala akong dapat panigan sa dalawang grupong ito. Ang masasabi ko lamang ay sana mas magkaroon pa ng malawak na kaalaman ang bawat mamayan ukol dito upang lalo nilang maiintindihan ang batas na ito upang hindi nila ito mahusgahan agad-agad ng walang batayan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento